Malaking kamalian ang mga salitang binitawan ni dating presidente Rodrigo Duterte nang sabihin nitong adik si Pangulong Bong Bong Marcos, “dahil si PBBM ay adik sa pagmamahal sa mga Filipino.”
Ito ang ipinahayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon nitong Lunes matapos akusahan ni Duterte na si PBBM ay isang adik.
“Si Presidente Bong Bong Marcos ay isang adik… adik sa pagmamahal sa bayan, adik sa pagtrabaho, at adik sa pag-asikaso ng mga tungkulin ng pamahalaan, adik sa pagmamahal sa mga Pilipino,” ang paliwanag ni Gadon.
Dagdag pa niya, hindi dapat isinasali ng dating lider ang kapakanan ng taong bayan dahil lamang sa nawasak na magandang samahan ng dalawang pamilya – ang mga Duterte, na ngayon ay alam na halos ng lahat ng Filipino na nasira na mula nang matapos ang halalan noong 2022.
Panahon na aniya na baguhin ang ilang probisyon sa Konstitusyon upang makawala na ang mga Filipino sa kahirapan at umunlad na ang bansa.
“Panahon na ng tunay na pagbabago tungo sa pagunlad! Ang Cha Cha ay hindi layunin na palawigin ang termino ng presidente o ng sinoman na opisyales, ito ay panlilito at paninira lamang ..
Kailangan ng pagbabago,” sabi pa ni Gadon.
Dagdag pa ni Gadon ang pagkakasuspinde ng Commission on Election sa lahat ng proseso ng People’s Initiative ay kamalian na rin ng mga mambabatas na nagtutulak nito dahil di nila ipinaalam ang kanilang tunay na agenda na palawigin lamang ang kanilang mga termino.
“Sa kagustuhan ng ilang mambabatas na gumawa ng hakbang at layunin tungo sa pagbabago , hindi nila isinaalang-alang na konsultahin ang Comelec kung ano ba ang tamang hakbang at proseso, pero ito naman ay maari pang iwasto upang maisulong ang Cha Cha,” paliwanag pa ni Gadon.
source:
Abante News
Comments