Pinapurihan ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ang Philippine Health Insurance Corporation sa pagdiriwang nito ng ika-29 na anibersaryo noong February 14.
Sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa okasyon, sinabi ni Gadon na napagtagumpayan ng PhilHealth ang anumang mga kontrobersyang ibinato sa ahensiya at nagpatuloy lamang ito sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Filipinong nangangailangan ng ‘medical care.’
Gaya raw ng Marcos Administration, ang PhilHealth, ayon kay Gadon ay sinisikap na maabot ang pangarap ng bansa na maunlad.
“Under the Administration of PBBM..Effective Feb 14, 2024 tumaas ang subsidy ng Philhealth sa mga bills ng member patients na naging 30 percent, sa kabila ng pagsuspinde ng increase of Premium ni PBBM. May mga nadagdag rin sa illness and services covered,” paliwanag ni Gadon.
Dagdag pa niya, ang pagkakahirang kay Emmanuel Ledesma bilang PhilHealth Chief Executive Officer ni President Ferdinand Marcos Jr. ang dahilan kung paano naibangon ng health institution ang postura nito sa pamamahala ng National Health Insurance Program.
Ganun din aniya ang nangyari sa pamahalaan na binabati palagi ng mga kritiko, ngunit di sinasabi ang maraming `achievements’ ni Pangulong Bong Bong Marcos.
“We are facing again negativism and a lot of criticism against our President and the Administration, but they do not mention that our inflation rate now is 2.8 percent, very low from 2020, from year 2019 actually. It hit almost 8 percent in the last Administration. Hindi ko naman sila bini-blame because of the Pandemic. But from a high of 8 percent to 2.8 percent, that is already something that we should be happy about,” punto ng Presidential Adviser on Poverty Alleviation.
At gaya rin daw ng PhilHealth na nakakapagbigay din ng maraming trabaho sa pagpapatupad ng mandato nito, ang Marcos Administration ay napababa rin ang bilang ng mga walang trabahong mga Filipino.
“Our employment rate now is 96.9 percent, this is the highest employment rate in 18 years. Di ba napakagandang achievement ng administration yun?
In 18 years, ngayon lang nagkaroon ng employment rate ng ganyan,” paliwanag pa ni Gadon.
source:
Abante News
Comments